HINDI rin nakapunta sa Busan si Jericho Rosales, dahil kanselado ang flight na dapat sana niyang sakyan dahil sa masamang panahon. May isa kasing indie film na kasama siya na kasali sa festival doon. Aminado siyang gusto rin sana niyang makarating pero dahil nga cancelled ang flight, sinabi niyang dito na lang niya susubaybayan ang mangyayari sa festival. May mga website naman na tungkol din sa festivals na iyan.
Marami tayong mga pelikulang ipinadadala sa festivals na ni hindi natin napapanood sa mga sinehan sa Pilipinas. Ang problema kasi, nagagawa ang mga pelikula batay sa taste ng mga festival organizer at hindi ng mamamayang Filipino.
HATAWAN
ni Ed de Leon