NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang ulo ng isang usa na ipinasok sa bansa mula sa Guam nang walang karampatang permit.
Ang ulo ng usa, nasa isang parcel na idineklarang mga gamit sa bahay at personal effects ay natuklasan sa Manila International Container Port (MICP).
Agad dinala sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang nasabing usa.
Ayon sa Customs, paglabag sa Sections 11 at 27 ng Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act at sa Section 117 in relation to Section 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act ang pagpasok sa bansa ng ulo ng usa nang walang karampatang permiso at mga dokumento.