Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Drug Queen’ sa Maynila pinalulutang ni Yorme Isko (Recycler ng nakokompiskang droga)

NANAWAGAN si Mani­la Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa dating barangay chair­woman ng Sampaloc na si Guia Gomez Castro na lumutang upang mag­paliwanag kaugnay sa akusasyon na siya ang tinaguriang ‘drug queen’ sa Maynila.

Ginawa ng alkalde ang panawagan matapos pangalanan ni NCPRO chief, P/MGen. Guillermo Eleazar ang tinaguriang ‘drug queen’ na umano’y taga Maynila.

Nakiusap din ang alkalde sa pamilya ni Castro na  palutangin ang kaanak upang makapag­paliwanag.

Kasabay nito, nana­wagan ang alkalde sa lahat ng barangay officials sa Maynila na huwag magpapasangkot sa ilegal na droga at huwag ma­ging protektor.

Pinaghahanap si Cas­tro ng PNP matapos malaman na nagre-recycle ng mga nahuhuling droga ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na tinaguriang ‘Ninja cops.’

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …