INAMIN ng Department of Energy (DOE), sa pamamagitan ng budget sponsor sa kakatapos na House plenary debate sa proposed P4.1-trilyong national budget para sa susunod na taon, ang maaaring ‘costly faults’ sa 2018 department circular (DC) na sakop ang ‘bidding’ para sa power contracts.
Walang nagawa si DOE budget sponsor, Appropriations Committee vice chairman at Zamboanga City 2nd district Rep. Manuel Jose Dalipe, kung hindi ang sumang-ayon sa mga obserbasyon ng interpellator na si Bayan Muna Party-List Rep. Carlos Zarate kung paanong anti-consumer ang DC.
“Ang mangyayari ho niyan, ‘yung ginawang desisyon ng Korte Suprema, mandating a CSP ay mawawalan ng saysay. At the end of the day, ang matatalo po rito ay consumers. Do you agree Mr. Sponsor?” tanong ni Zarate kay Dalipe sa plenary floor.
“Yes Mr. Speaker. Actually the DOE is reviewing that circular because as manifested by the honorable gentleman, it appears that way,” agad na sagot ni Dalipe.
Tinutukoy ni Zarate, Senior Deputy Minority Leader, ang DC 2018-02-003 na anoman ang layunin at hangarin ay nabago ang mga panutuntunan para sa bidding o CSP para sa proposed power supply agreements (PSA) na inilatag ng DC 2015-06-008 maaga ng tatlong taon.
Ang 2015 circular ay kinakailangan ng third party na kinilala ng DOE at Energy Regulatory Commission (ERC) upang pangasiwaan ang bidding at masiguro ang proseso at mga ‘terms of references’ nito ay hindi kontrolado ng ‘Distribution Utility’ (DUs).
Gayonman, pinayagan ng 2018 circular ang DUs na pumili ng mga miyembro ng five-man third party bids and awards committee (BAC).
Ayon kay Dalipe, inilabas ng DOE ang DC 2018-02-003 sa kabila ng walang reklamong natanggap ukol sa bidding rules para sa proposed power plants na itinakda ng 2015-06-008.
“This is a result of focused group discussion and public consultation… The primary intent was to fast-track it and make it better. Why the sudden change? The change is not just procedural but very substantial… the DOE and ERC ay parang observer na lamang sila.
Ang magpapatakbo sa CSP ay DUs. Ito po ‘yung ating pinapangambahan,” dagdag ng Makabayan solon.
Ang Atimonan One ay isa sa pitong Meralco-linked DUs na may pending PSAs para sa coal-powered plants bago ang ERC.