Wednesday , December 25 2024

Barangay elections sa tamang panahon

SA ayaw ninyo’t sa gusto mga ‘igan, kamakailan lang ay ipinasa ng mga Senador sa pangalawang pagbasa ang Senate Bill No. 1043 na naglalayong ipagpaliban ang halalan ng barangay at Sangguniang Kabataan, hanggang 5 Disyembre 2022, na unang itinakda noong Mayo 2000. Ano kaya ang pulso ng sambayanan?

Marami ang natuwa mga ‘igan. Ngunit, marami rin ang nakapangalumbaba sa nasabing panu­kalang batas. Mantakin n’yo nga naman mga ‘igan, kung saka-sakaling matatapos ang eleksiyon sa taong 2022, aba’y isasagawa na ang mga susunod na ba­rangay at SK elections kada tatlong taon na.

Wow! Maganda kaya ito para sa kapa­kinabangan ng sambayanan?

Sa kabilang banda mga ‘igan, sa totoo lang, ano nga bang dahilan at umiikot umano ang wetpu ng ilang barangay chairman kung saka-sakaling tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections? Dahil ba sa tuluyan nang matutuldukan ang kanilang pansariling interes? O, dumating na ang takdang panahon…para wakasan ang mga katiwaliang nagaganap sa nasasakupang barangay? ‘Ika nga’y matatapos na ang maliligayang araw ni chairman he he he…

Sa mga astig at pasaway na Barangay Chairman, dapat sa inyo’y isang dagok nang magising sa katotohanang matatapos na rin ang inyong masasayang araw. At papaghariin na ang tunay at karapat-dapat na lingkodbayad ‘este lingkodbayan. ‘Ika nga’y tama na…palitan na! Tungo sa tunay na pagbabago. Bigyan ng pagka­kataon ang ibang maglingkod, ‘di ba ‘igan?

Sa mga kababayan nating gusto ng pagba­bago sa kani-kanilang barangay…wait na lang po nang kaunti, nalalapit na ang takdang panahon ng pagbabagong inyong inaasam-asam. Tuloy-tuloy lang sa pakikibaka, nang makamit natin sa tamang panahon. Konting tiis pa sa kataranta­dohan ni chairman… matutuldukan din natin lahat ‘yan he he he…

Sa mga barangay chairman na may kaka­yahang humawak ng barangay, tuloy-tuloy lang po sa magagandang gawain tiyak na muling iuupo dahil sa magagandang bagay na ipinakikita o ipinamamalas.

Gano’n pa man, ang boses pa rin ng taong­bayan ang mananaig sa huli…kung walang dayaang mangyayari. Tama ka ‘igan, dayaan sa eleksiyon ay hindi mawawala. Kung kaya’t nasa atin na lang kung ito’y ating palalagpasin o pupu­tulin. Maging mapagmatiyag sa lahat ng oras mga ‘igan nang sa huli’y boses pa rin ng nakararami ang maririnig.

Sadyang matalino na ngayon ang tao, lalo sa panahon ng eleksiyon. Alam na nila ang kalakaran dito, kalakaran doon. ‘Di na muling pagagamit sa mapagsamantalang politiko.

‘Yan ang Pinoy…di na mapepenoy… he he he

Sadyang ipinaliwanag ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto na mas magiging madali para sa Commission on Elections na isagawa ang halalan isang taon bago at pagkatapos ng pambansang halalan. Matapos pumasa ang panukala sa House of Representatives, inaasahang magkakaroon ng bi-cameral conference committee.

Inaprobahan na rin ng House of Repre­sentatives Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang nasabing panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *