ISA nang heinous crime ang paggamit ng ‘access devices’ para makapandaya gaya ng hacking sa sistema ng banko maging ang skimming ng credit at payment cards.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11449 na magpapataw ng mas mabigat na kaparusahan sa itinatakda ng Access Devices Regulation Act of 1998.
Base sa isinasaad ng Section 10 G ng batas, may parusang life imprisonment at multa na maaaring umabot sa P5 milyon ang ipapataw sa mga sangkot sa pagha-hack ng banking system.
Kaparehong parusa rin ang kahaharapin ng mga nasa skimming o pagkopya ng bank details at pagnanakaw ng laman ng hindi bababa sa 50 payment cards, credit cards, debit cards at online banking accounts.
Maihahanay aniya ang naabing mga krimen sa economic sabotage.
Sa kabilang dako, anim hanggang 20 taon pagkakakulong ang naghihintay sa mga nandaraya ng credit cards at iba pang access devices habang may kaukulang multa din na doble ng halagang nanakaw mula sa access devices ang itinatakda ng nasabing batas.
(ROSE NOVENARIO)