NAMATAY ang isang 41-anyos lalaking inmate na sinabing nahirapan makahinga sa loob ng selda ng Manila Police District Sta. Cruz Station (PS3), kahapon ng umaga.
Kinilala ang namatay na inmate na si Richard Espanillo y Marquez, may kasong shoplifting sa SM San Lazaro, at residente sa Dimasalang St., Sampaloc, Maynila.
Ayon sa ulat, dakong 6:30 am nang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Espanillo sa reklamong nahihirapang huminga.
Dakong 7:01 am nang ideklarang patay ni Dr. Ma. Azela Riego si Marquez.
Nabatid na nakulong sa nasabing presinto si Espanillo at isinailalim sa inquest proceedings noong 16 Agosto 2019 sa Manila Prosecutor’s Office.
Nahirapang umanong huminga si Espanillo habang nakapiit sa selda dahil sa pag-atake ng asthma.