Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Kelot patay, 2 sugatan sa trip ng 4 senglot

ISANG lalaki ang nama­tay habang sugatan ang kanyang dalawang kasa­ma nang makursu­nada­hang bugbugin ng apat na lasing sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang bikti­mang kinilalang si Richard Gregorio, 50 anyos,  ng Brgy. Tugatog sanhi ng pinsala sa ulo, habang bugbog at sugat sa muk­ha ang pinsala ni Simpli­cio Navarro, 49 anyos, residente sa Dulong Bronze St.,  at Luisito Bayan, 50 anyos, ng Brgy. Tugatog, Mala­bon City.

Nagtangkang tuma­kas ang mga lasing na suspek  ngunit agad naaresto ng pulisya na kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, na sina Rolly John Alave, 24 anyos; Raky Pacite, 24 anyos; parehong driver at crew, mga residente sa Nirvana St., Tugatog Malabon City; Benmar Caritay, 23 anyos, welder; at Rogelio Barraquillo, 20 anyos, kapwa  residente sa General Pio Brgy. 78, CaIoocan City na naha­harap sa kasong murder.

Lumabas sa imbestigasyon ni P/Cpl. Mark Julius Pajaron, dakong 3:00 am nang maganap ang insidente sa kahabaan ng MacArthur Highway sa harap ng SM Hypermarket Monu­men­to Circle habang nagla­lakad ang mga biktima para bumili ng sigarilyo.

Nabatid na nilapitan ng mga suspek ang mga biktima at sa hindi mala­mang dahilan kinom­pronta ang tatlo saka pinagtulungan bugbugin hanggang mapuruhan at mawalan ng malay si Gregorio at Navarro.

Mabilis na isinugod ang mga biktima sa naturang pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay si Gregorio habang nadakip ang mga suspek ng mga nagres­pondeng pulis.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …