Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol lumutang sa Tullahan

LUMUTANG ang katawan ng isang sanggol na lalaking nakasuot ng diaper sa Tullahan River kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Kasalukuyang ginaga­wa ang dike ng ilog sa baha­gi ng F. Bautista St., Brgy. Maru­las nang mahulog sa tubig ang ginagamit na hag­dan ng mga construction workers dakong 1:30 pm kaya’t nilusong ng dala­wang trabahador na sina Jomar Garcia at Erwin Driz.

Pero, nagulat ang dalawa nang makita ang bangkay ng isang sanggol na lalaki na tanging diaper ang saplot sa katawan na lumulutang sa ilog kaya’t iniahon nila ang biktima at kaagad na iniulat sa Valen­zuela Police Com­munity Precinct (PCP) 3.

Nagresponde sa lugar ang mga tauhan ng PCP3, kasama ang mga tauhan ng Scene of the Crime Ope-ratives (SOCO), hang­gang dinala ang patay na sanggol sa PNP Crime Laboratory para isailalim sa autopsy examination upang alamin ang sanhi ng pagka­matay.

Iniutos ni Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces ang masusing pagsi­si­yasat upang matukoy kung sino ang mga magu­lang ng sanggol na posi­bleng may kinalaman sa pagtatapon ng patay na sanggol sa ilog.(R. SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …