MAYNILA ang magiging pinakamayamang lungsod.
Binigyang diin ito Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagharap sa isang business forum sa Manila Polo Club.
Sinabi ni Moreno, makakukuha ng kita ang city government mula sa Bureau of Customs, na aabot sa P90-bilyon sa mga susunod na taon.
Binanggit ni Moreno ang 2018 Supreme Court ruling na dapat ay may share ang city government sa tax na nakukuha ng BoC dahil nasa lungsod ito ng Maynila.
“It’s a Supreme Court decision with finality. So mayroon na kaming kita sa port operation. And, remember, marami kaming port,” ani Moreno.
Matatandaan, taong 2017 nang lumabas ang report ng Commission on Audit (COA) na naungusan ng Makati ang Quezon City.
Sinabi ni Moreno, umaasa siya na darami pa ang tunay na mamumuhunan sa Maynila.
Aniya, ”yayaman ang lungsod.”
Paniniyak ni Moreno hindi lamang ito pangarap dahil batay ito sa katotohanan.
HATAW News Team