Saturday , January 11 2025
congress kamara

DDR ni Velasco suportado ng Kamara

SINUPORTAHAN ng mga lider sa Kamara ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster and Resilence na itinata­guyod ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ayon kay Tingog party-list Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Ro­mual­dez, ang namumuno ng House Committee on the Welfare of Children, at House Majority Leader, at Leyte Rep. Martin Romualdez, impor­tan­teng panukala ang DDR.

“A new Department of Disaster Resilience will effectively improve the institutional capacity of the government for disaster risk reduction and management, reduce the vulnerabilities sur­rounding the affected local population as well as build the resilience of local communities to both natural disasters and climate change,” ayon sa mga Romualdez.

“Guaranteeing disaster resiliency through closer coordination and stronger management synchronization at all levels of the country’s disaster risk reduction and management system cannot be delayed any further,” anila.

Naunang sinabi ni Velasco na nangnga­ngailangan ang bayan ng isang ahensiyang naka­tutok sa “disaster and rehabilitation” ng mga lugar na tinamaan ng bagyo, baha, lindol at iba pang kalamidad.

Sa panig ni Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas, ang DDR ay tutugon sa problem ng “red tape” na nagiging hadlang sa pagpapaabot ng tulong at pangunahing lunas sa mga nasalanta ng sakuna.

“We have to pass the DDR with dispatch to effectively respond with the disasters without delays,” ani Abu.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Garahe nasunog BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

Garahe nasunog
7 BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

HATAW News Team PITONG BUS ang natupok habang sugatan ang isang mekaniko nang sumiklab ang …

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *