Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
nakaw burglar thief

Akyat-bahay swak sa hoyo

KULONG ang isang  miyembro ng akyat bahay gang nang maaresto ng mga pulis matapos pasukin at pagnakawan ang bahay ng isang kalugar sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores ang suspek na si Gerald Bartolome, 18 anyos, welder, residente sa Malaya St.m Pangarap Village, Brgy. 181.

Ayon kay Caloocan deputy chief for administration P/Lt. Col. Ferdie Del Rosario, unang pinasok ng suspek ang bahay ni Lorna Mercolesa, 43, at Sheryl Ramilo, 26, kapwa sa Malaya St., Brgy. 181, Pangarap Village sa pamamagitan ng pagdaan sa bintana na sapilitang sinira.

Nang nasa loob na ang suspek, kinuha nito ang dalawang cellphone na pagmamay-ari ni Lorna na nagkakahalaga  ng P4,900 at portable DVD, silver necklace na aabot sa P6,950 ang halaga at P1,800 cash na pagmamay-ari ni Sheryl. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …