Monday , November 18 2024
arrest prison

22 timbog sa buy bust sa Vale

UMABOT sa 22 katao ang naaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, kamakalawa hanggang kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat mula kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces, dakong 7:45 pm nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) team 3 sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan Jr., ang buy bust operation sa Rosario St., Gen. T. De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kina Roberto Pelicano, 50, at Jordan Batac, 40 anyos, na nakuhaan ng P200 buy bust money, apat sachet ng shabu at P100 bill.

Nadakma sa buy-bust operation sa harap ng One Mall, Gen. T. De Leon dakong 8:30 pm ang tatlong nasa drug watchlist na sina Arlene Panagiton, 28 anyos; Jaymee Marange, 32; at Nica Tagolino, 23 anyos; nakuhaan ng limang sachet ng shabu, P200 buy bust money at P200 bill. Dakong 9:30 pm nang maaktohan ng mga tauhan ng PCP3 si Tristan Jefferson Rodrigo, 24, sumisinghot ng marijuana sa harap ng Villa Martha Resort , Brgy. Marulas at nakuha sa kanya ang isang sachet ng marijuana at glass pipe ng marijuana.

Timbog si Jeremy Amores, 25 anyos, kilalang pusher sa SDEU Team 5 sa inilatag na buy bust operation sa Tolentino St., Gen. T. De Leon, dakong 11:05 pm at nakuha ang P200 buy bust money, apat sachet ng shabu at P200 bill.Nasunggaban ng SDEU Team 4 sa buy bust operation sa Lamesa St., Brgy. Ugong, dakong 11:30 pm sina Regan Molina, 23; Aurelio Abarrientos, 42; Jonathan Amoroso, 39; Angie Brucano, 39; Arsie Santos, 30; at Mary-ann Navarro, 18; pawang nasa drug watchlist.Nakompiska ang P300 buy bust money, tatlong sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia sa mga suspek.

Dakong 11:35 pm, nang madakip sa buy bust operation sa #138 Blk 1 C Molina St., Brgy. Veinte Reales sina Christian Nino Capili, 21; Jayson Redito, 23; at Candy Jinell Cubilla, 19’ sales lady. Nakompiska ang anim na sachet ng shabu at P200 buy bust money. Sa #1599 G. C. Sebastian St., Bagbaguin, timbog din sa buy bust operation dakong 2:30 am, sina Jomar Solis, 27; Nover Caballero, 26; Eduardo Jaramillo, 37; at Jino Boy Abalos, 35. Nakuha sa kanila ang apat sachet ng shabu at P200 buy bust money. Dakong 3:20 am nang masakote sa buy bust operation sa Calle Onse St., Gen. T. De Leon sina Gener Vistan, 39; at Abelardo Ramos, 25, kapwa nasa drug watchlist at nakompiskahan ng dalawang sachet ng shabu, P200 buy bust money at P200 bill. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *