Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Regine, feeling lucky nang mahalikan ni Piolo

HINDI na bago sa amin ang balitang paghalik-halik ni Piolo Pascual. Naganap ito sa birthday party ni Ogie Alcasid na pinag­haha­likan ang mga bisita ng singer actor. Bukod sa halik, may kasama pa itong I Love you! kaya naman feeling naka-jackpot ang mga naka-tanggap nito.

Isa rito si Regine Velasquez gayundin ang asawa ni Bayani Agbayani  kaya feeling lucky ito na mga sandaling ‘yun.

Ang tsika, hindi lang pala si Piolo ay may ganoong trip dahil namana  ito ng anak niyang si Iñigo.

Aba, kung ganoon, like father like son ang drama ng dalawa pero ang matindi, hindi sa pisngi humahalik ang mag-ama kundi sa lips kaya obviously, jackpot talaga ang nahahalikan ng mag-ama.

Kaya namin nasabi na hindi na bago ang trip na ito ni Papa P ay dahil noong ginagawa pa niya ang Sa Puso Ko Iingatan Ka kapareha si Judy Ann Santos ay naging saksi kami sa panghahalik nito sa fans. Kahit nakasakay na ito ng kanyang kotse at may humahabol na fan para makahalik at game na game ang guwapong actor.

Kaya pala sa tuwing nagsi-celebrate ng anniversary ang Solid Friends of Piolo Pascual ay hindi pa rin nababawasan ang fans ng aktor na dumadalo bagkus nadaragdagan pa dahil sa sobrang ‘caring’ nito sa  fans.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …