Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Caloocan prosecutor nakaligtas sa ambush

TADTAD ng tama ng bala ang sasakyan ng isang fiscal ng Caloocan City makaraang tam­bangan ng tatlong arma­dong lalaki habang nasa loob ng kanyang sasak­yan, sa tapat ng isang restaurant  kamakalawa  ng hapon.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores ang biktimang si Assistant Chief Inquest Prosecutor Elmer Susano.

Sa kuha ng CCTV camera sa B. Serrano St., corner 9th Avenue, Caloo­can, dakong 3:00 pm, makikitang pumarada ang biktima sa labas ng isang kainan saka buma­ba ng kanyang Toyota Hilux pick-up upang bumili ng pagkain.

Makalipas ang ilang sandali, lumabas ang biktima saka sumakay sa kanyang sasakyan at pagkasara nito ng pinto ay dumating ang isang lalaking sakay ng isang motorsiklo na nakasuot ng helmet bago bumaba saka pinagbabaril sa driver side ang sasakyan ng fiscal.

Dumating din ang isa pang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki saka bumaba ang backride at pinagbabaril din sa kabilang side ang sasak­yan ng biktima na sina­sabing bulletproof.

Umatras ang sasak­yan ng piskal at nasagi nito ang motorsiklo ng unang suspek saka huma­rurot ang biktima palayo na sinundan ng mga suspek bago nagsitakas sa hindi matukoy na direksiyon.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang 13 basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril habang ipinag-utos ni Flores sa kanyang mga tauhan ang follow-up investigation sa posibleng pagkaka­kilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek.

Ani Flores, dati na umanong may natanggap ang biktima na pagba­banta sa kanyang buhay sa pamamagitan ng text limang taon na ang naka­lipas. (R. SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …