TALIWAS sa mga ugong-ugong, hindi ipinamimigay ng Barangay Ginebra ang higanteng sentro na sa Greg Slaughter.
Iyan ay ayon mismo kay head coach Tim Cone na itinanggi ang trade rumors na bumabalot sa kanyang pambatong 7’0 big man matapos matanggal sa trono ang Gin Kings sa katatapos na 2018 PBA Governors’ Cup.
Ayon kay Cone, katawa-tawa at ingay lamang ang mga naturang usap-usapan sa naturang trade kay Slaughter dahil wala aniya ito sa plano ng koponan.
Sigurado ang posisyon sa Ginebra ni Slaughter, ayon kay Cone, lalo’t isa siya sa pangunahing piyesa ng Gin Kings upang makabalik sa tuktok ng PBA lalo sa paparating na Governors’ Cup na dalawang beses silang nagkampeon bago masibak ng Magnolia noong 2018.
Para kay Slaughter, bagamat pinangakuan nga siya ni Cone na ‘wag ituon ang atensiyon sa mga walang katotohanang trade rumors, handa siya dahil trabaho nila ang maging professional basketball player.
Ngunit sa kabila ng lahat ng posibilidad, puspusan ang lalong pagpapalakas ni Cone upang lalong mapatunayan sa lahat na siya pa rin ang magilas na higante ng Barangay.
Dahil sa dagdag niyang personal training sa ilalim ng Ginebra assistant coach na si Kirk Collier bukod sa pagsasanay ng Gin Kings, kaagad na napagsiklab si Slaughter kamakalawa.
Nagposte si Slaughter ng 15 puntos upang pangunahan ang Gin Kings sa 84-81 panalo kontra sa Magnolia sa isang tune up game, dalawang linggo bago ang pag-arangkada ng 2019 PBA Governors’ Cup sa 20 Setyembre, na hahangad ang koponan na makuha ulit ang trono. (JOHN BRYAN ULANDAY)