Friday , November 15 2024

Sa ikauunlad ng lungsod disiplina ang kailangan

ITO ang mga katagang nais ipahiwatig ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lahat ng lumabag at balak pa lang lumabag sa mga ordinansa ng lungsod , kasama na rito ang mga driver, pedestrian, mga umiinom sa kalye, naglalakad nang nakahubad at marami pang iba.

Hindi lang ito para sa mga lumabag sa city ordinance kundi parang gabay na rin at paalala sa lahat ng Manileño at mga dayuhan mula sa ibang lugar o lungsod na dapat nilang tupdin ang batas ng Maynila.

Pagdating ni Yorme mula sa 5-araw bakasyon sa New Zealand, agad siyang nag-ikot sa mga kalsada at lansangan. Dito niya nakita ang kahalagahan ng disiplina sa lahat ng aspekto at sa lahat ng tao.

Magmula sa mga driver, pedestrian at mga motorista ay napansin niya agad ang kawalan ng disiplina. Ang mga driver na dapat pumarada at humimpil sa tamang lugar, ang pag-pick-up ng pasahero sa takdang lugar, gayondin ang mga pedestrian at publiko na nagkalat habang nag-aabang ng sasakyan sa maling lugar.

Sila ay sinermonan ni Mayor Isko sa ginagawa nilang paglabag at pagbabalewala sa mga ordinansa na nagiging sanhi aniya ng mabigat na trapiko, aksidente at kung ano-ano pa.

Kung tayo’y sumusunod sa lahat ng mga ordinansa ay matik na mayroon tayong disiplina sa ating mga sarili. Siguradong magiging maluwag ang trapiko at maiiwasan natin ang mga insi­denteng hindi mainam.

Ito ang pandiin niyang sinabi sa lahat ng mga pasaway na nahuli partikular ang jeepney drivers na makukulit. Isinauli niya ang mga lisensiyang natiketan at binalaan na hindi na dapat maulit ang kanilang kapalpakan.

Ganoon daw kahalaga ang pagkakaroon ng disiplina unang-una sa ating sarili bago dumating kung kanino pa man. Mantakin ninyo kung wala tayong disiplina, ‘e ‘di saksakan nang gulo ng ating mundo, dagdag ni Yorme.

Isa pang napuna ni Mayor Isko sa kanyang pag-iikot ang nagkalat na mga batang hamog sa kalye at lansangan na karamihan ay sumisinghot ng rugby at solvent na para bang walang pakialam sa mundo.

Ang pagdami ng mga batang hamog ay isang malaking problema sa kanya. Hindi nga raw niya malaman kung ito ay pagkukulang ng gobyerno o ng mga magulang, kung sino nga ba ang dapat sisihin.

Dahil sa kanyang nakita, agad niyang binigyan ng direktiba ang mga barangay at pulisya na bigyan ng curfew at oras hanggang 10:00 pm.

Wala raw dapat menor de edad na nasa lansangan pagsapit nang takdang oras. Ang mga kabataang menor-de-edad  ay dapat nasa loob ng kanilang pamamahay kapiling ang kanilang mga magulang.

Kung aabot aniya sa puntong hindi nakikipagtulungan ang mga magulang ay walang kinakailangan na sila ay ikulong.

Disiplina pa rin ang kaakibat sa lahat ng galaw ng mga tao at publiko kung kaya’t ito ay dapat sundin at isapuso dahil kailangan sa ikauunlad ng bayan.

Minsan na rin nasabi ang katagang ito ni former strongman President Ferdinand Marcos na nagiging epektibo noong kanyang era noong 1970s.

 

TAX AMNESTY SA LUNGSOD NG MAYNILA NOW NA

Mgandang balita sa lahat ng Manileño na nagmamay-ari ng lupa at ibapang ari-arian gayondin ang may mga negosyo sa Maynila na hindi nakatupad at may pag-kukulang sa kanilang obli­ga­syon sa lungsod.

Puwede na kayong magbayad ng inyong kauku­lang buwis nang walang interes o karagdagang pa­taw dahil sa nilagdaang tax amnesty ng pama­halaang lungsod ng Maynila.

Ito ay malaking pribilehiyo sa lahat ng Manileño na nawawalan ng pag-asang mabayaran ang kanilang buwis o amilyar. Isumite ang inyong kahilingan o aplikasyon sa Manila Taxpayers’ Lounge.

Ito ay sa direktiba ni Mayor Isko kaakibat at sinusuportahan ng Sangguniang Panlungsod sa pamumuno ni Vice Mayor Honey Lacuna at ng buong konseho na nagpasa ng City Ordinance 8566.

Samantalahin sana natin ang pagkakataong ito dahil minsan lang ito kung dumating.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *