WALA siyang pelikula o kahit na TV show, pero sa mga out of town show, maski na sa mga pa-basketball lang ay laging may special request ang mga organizer na isama siya sa kinukumbida nilang mga artista.
Iyon pala may sikreto ang male star. Ang tsismis, “mapagbigay” siya sa mga provincial show organizer. Kaya pala sa tuwing ihahatid na sila pabalik sa Maynila, laging katabi ng mga organizer sa sasakyan si male star.
Matagal nang tsismis iyang gawain niyang iyan, pero hanggang ngayon pala na may asawa’t anak na siya ay ganoon pa rin ang gimmick niya. Eh kung dahil nga ba naman sa ganoon kaya siya nakakakuha ng raket eh, bakit hindi niya gagawin.
(Ed de Leon)