Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine Lustre, ‘di type makapareha si Daniel

PAGKATAPOS isalang si Kathryn Bernardo sa Tonight With Boy Abunda, isinunod si Nadine Lustre na may kinalaman sa promotion ng kanyang pelikulang Indak. Very obvious na promo iyon ng kanyang pelikula na katambal si Sam Concepcion dahil gamit na gamit ang titulo ng movie.

Pinag-usapan ang magiging next leading man ni Nadine na ayon kay Boy Abunda, kapag hindi tipo ng aktres ang pangalang mababanggit ay bibigkasin ang salitang ‘tadyak’ at kung gusto naman nito ang aktor ay sasagot ito ng ‘indak.’

Unang nabanggit ang pangalang Enrique Gil at ‘Indak’ agad ang isinagot ni Nadine dahil maliban sa isa itong mananayaw ay kaibingan niya. Pagdating kay Joshua Garcia, ‘tadyak’ ang isinagot niya dahil mas bata raw ito sa kanya.

Biglang nabago ang flow ng usapan nang nabanggit ang pangalan ni Gerald Anderson dahil hindi agad nakasagot ang aktres. Halatang pinipigil nito ang sasabihin pero mas gusto nito ang tumahimik. ‘Ika nga, no talk, no mistake bagkus nakiusap na lang ito kay Boy, “Basta Tito Boy!” ang tangi nitong nasabi na naintindihan naman ng King of Talk kaya hindi niya ito pinilit.

‘Indak’ naman ang naging sagot ni Nadine nang nabanggit ang pangalang Coco Martin at Piolo Pascual dahil mga nice guys daw ang mga ito, “Why not!” ang sambit nito.

Ang panghuling pangalang nabanggit ay Daniel Padilla na ‘tadyak’ ang isinagot.

Aniya, tulad ng nasabi ni Kathryn, nirerespeto niya ito para hindi magkagulo ang fans. ”I respect what she said, parang gulo ‘yan eh. I respect her.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …