KAKATAPOS lang namin panoorin ang Just A Stranger na bida sina Anne Curtis at Marco Gumabao. Ang ipinagkaiba lang nito sa Hello, Love, Goodbye na dalawang beses namin pinanood ay pang-PG ang rating nito samantalang Rated 16 naman ang una.
Kahit isang May-December affair ang tema ng Just A Stranger, maganda ang chemistry nina Anne at Marco and lets say, it’s a sexy tandem. Kakaiba ang imahe rito ni Anne, a more matured actress samantalang si Marco ay level-up na sa pang-leading man.
Inamin ni Anne na handa na siyang magkaroon ng baby pagkatapos makagawa ng mga pelikula.
Kaya naman, sa tanong kung kailan magkakaroon ng katuparan ang pangarap nitong maging mom, “In God’s time, it will happen din, ‘di ba?
“Ayokong magbigay ng pressure sa sarili ko, or kay Erwan (Heussaff) even, kung kailan mangyayari ‘yun. Pero that day will happen na isa rin ako magiging momshie. Who knows, maybe next year na iyan. Maybe this year, next year, ‘di ba?”
STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu