Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Estudyante hinablutan ng bag sa jeepney snatcher arestado

SA kulungan bumagsak ang isang 27-anyos lalaki nang daklutin ang bag ng isang coed na naipit sa traffic habang sakay ng pampa­saherong jeep sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Joshua Mahinay, ng Tondo, Maynila, kakasuhan ng robbery snatching.

Batay sa ulat, dakong 11:00 am, sakay ng pampasaherong jeep ang biktimang si Hazel Reyes, 18 anyos, nang maipit sa trapik ang sinasakyan sa C3 Road, Barangay North Bay Boulevard South (NBBS).

Inakyat ni Mahinay ang nakahintong jeep at dinaklot ang bag na kalong-kalong ni Reyes ngunit minalas na may pulis malapit sa insidente kaya agad nakahingi ng tulong ang biktima at nadakip ang suspek.

Nabawi kay Mahinay ang bag ng biktima na naglalaman ng isang laptop na nagkakahalaga ng P15,000 at isang cellphone na nagkakahalaga ng P7,000. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …