Wednesday , December 25 2024

Ramon Tulfo ini-libel rin ng ex-justice secretary (Kasong libelo tambak na)

NAGSAMPA na rin ng kasong libelo ang dating Justice Secretary Vita­liano Aguirre laban sa kolumnistang si Ramon Tulfo dahil sa aniya’y malisyoso at naka­si­sirang kolum na inilabas niya sa The Manila Times at Facebook posts noong Abril.

Bukod kay Tulfo, na kinasuhan ng four counts ng libel at nine counts ng cyberlibel, kinasuhan din ng four counts ng libel at four counts ng cyberlibel sa Manila Prosecutor’s Office ang presidente at CEO ng Manila Times na si Dante Ang, chief operating officer Blanca Mercado, publisher-editor Nerilyn Tenorio, news editor Leena Chu at national editor na si Lynette Luna.

Dalawa pang infor­mants umano ni Tulfo na pinangalanan lamang na John at Peter Doe ay kasama rin sa kaso. Si Aguirre ay humihingi ng P150 milyong moral damages, at mahigit P50 milyon sa exemplary fees at attorney’s fees mula sa mga kinasuhan.

Ang kaso ay bunsod ng mga sumusunod na columns na lumabas sa print at online version na manilatimes.net: “Living the life of the rich and famous” luma­bas noong April 11, na binansagan si Aguirre bilang protektor ng human trafficking syn­dicate sa Ninoy Aquino International Airport at umano’y nag-isyu ng circular na inalisan ng power si Immigration Commissioner Jaime Morente para mag-assign at reassign ng mga bureau personnel.

Ang pangalawang column ay: “The ball is now in Secretary Guevar­ra’s Hands” na inilabas noong 13 Abril, na sinabi rito na si Aguirre umano ay tumanggap ng pera mula sa nasabing sin­dikato kahit na nag-resign na siya bilang Justice Secretary.

Ang pangatlo ay: “Bato, a clown in the staid Senate” na lumabas noong 11 Hulyo, na sinabi na si Aguirre umano ay protektor ng sindikato.

Ang pang-apat naman ay: “Why Digong scrapped all PCSO franchises” na inilabas noong 30 Hulyo, na sinabing ang small-town lotteries ay lumobo sa kasalukuyang adminis­trasyon upang ma-accommodate ang ilang tao kasama na si Aguirre.

Sinabi rin ni Aguirre, ang mga isinulat ni Tulfo ay pawang “defamatory” Facebook posts kung saan inulit ang mga naka­sisirang alegasyon noong 9 Abril, 13 Abril at 8 Hunyo.

“Perusal of the articles and the online posts would readily show that respondent Tulfo defamed and discredited my honor and integrity by imputing that I was corrupt when I was still Justice Secretary, a protector of a syndicate, a land grabber, a criminal and involved in illegal activities during and after my stint as Justice Secretary,” wika ni Aguir­re sa kanyang isi­nampang kaso at sinabing mali­syoso ang mga istorya at “reckless disregard as to whether the allegations are true or not.”

Dagdag ni Aguirre, ang mga pinagsususulat ni Tulfo ay “defamatory articles” na naging bun­sod ng kasong isinampa sa Branch 46 ng Manila Regional Trial Court bago pa lumabas ang iba pang mga kasunod na column.

Sinabi niya na inten­siyon talaga ni Tulfo na i-publicly assassinate siya pati ang kanyang repu­tasyon, asarin siya at wasakin ang kanyang imahen.

Ngunit bakit ito gina­gawa ni Tulfo, ang pali­wa­nag ni Aguirre ay dahil umano sa itina­tagong galit ng kolum­nista sa kanya dahil noong kalihim pa siya ng DOJ ay tinanggihan niya ang request ni Tulfo na i-consolidate ang lahat ng libel cases na pending sa mahigit 70 pro­secutors offices sa buong bansa.

Ayon kay Aguirre, sinabihan niya si Tulfo na hindi ito saklaw o gawain ng isang justice secretary, kundi sakop ito ng kapangyarihan ng prosecutors offices.

“As a direct result of the malicious, libelous and defamatory impu­tations of respondent Tulfo against me, I suffered sleepless nights, mental anguish, anxiety, besmirched reputation, wounded feelings, moral shock, and feelings of similar nature,” wika ni Aguirre.

“For such reasons all respondents should be held jointly and several­ly liable…” dagdag ng dating justice secretary.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *