PIRMADO na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Ordinance No. 8567 na gumagarantiya ng 20 porsiyentong kabawasan sa real property tax ng mga taga-Maynila mapa-pribado man o commercial na lupa.
“There is a need to adopt a more progressive and equitable revenue system to help our taxpayers from the detrimental effects of economic downturn,
“This may be achieved through a further reduction in the ceiling on the corresponding increase in the tax levy from 60% by 20% based on the incremental values of real properties under Ordinance No. 8330 (2014 General Revision of Real Property Assessments),” saad sa ordinansa.
Sa ilalim ng ordinansa, inatasan ang City Treasurer’s Office at Department of Assessment na maglabas sa loob ng limang araw ng alituntunin at patakaran sa inaprobahang ordinansa.
“All other ordinances, acts, administrative orders, rules and regulations inconsistent with or contrary to the provisions of this ordinance are hereby repealed or otherwise modified accordingly,” deklarasyon sa ordinansa.
Magiging epektibo ang ordinansa sa 1 Enero 2020.
Sinaksihan ni Vice Mayor Honey Lacuna, Majority Floor Leader Joel Chua at ng Konseho ng Maynila ang paglagda ng alkalde sa nasabing ordinansa sa Bulwagang Katipunan.
Nanawagan ang alkalde sa taxpayers sa lungsod na hanggang 31 Disyembre pa ang kanilang pagkakataon na makapagbayad ng kanilang buwis na hindi nabayaran.
Aniya, isa itong pinakamahabang amnesty dahil binigyan ang taxpayers ng mababang buwis.