Thursday , December 26 2024

Kamara, kayod-kalabaw sa national budget at priority measures

HINDI na kayang burahin sa kasaysayan ang nagaganap ngayon sa Kamara sa pamumuno ni Speaker Alan Cayetano.

Historic na kung baga ang ginagawa ngayon ng bagong liderato.

Aba’y wala pang isang buwan, pasado na sa 3rd reading ang House Bill 1026 o ang pagtataas ng buwis sa mga inuming nakalalasing, isa sa mga priority measures ni Pangulong Rodrgio Duterte.

Kahit na naipit sa dalawang holidays ang araw ng Martes, inaprobahan pa rin sa huling pagbasa ang panukala. Nakatutuwa ang pagdalo ng maraming kongresista sa sesyon at nakapagtala ng quorum para maaprobahan ang panukala.

Bukod dito, dinesisyonan na rin ni Cayetano at ng mayorya na apat na budget hearings ang gagawin araw-araw mula Lunes hanggang Biyernes at iniusog ang sesyon sa 5:00 pm upang mapabilis ang pagtalakay sa pambansang badyet at maaprobahan ito sa 4 Oktubre ngayong taon.

Kasabay ng marathon budget hearings ang mga pagdinig na gagawin ng ibang komite sa ibang panukala upang walang masayang na oras ang kongreso. Kumusta naman ngayon ang mga nagsasabing masyadong marami ang deputy speakers na itinalaga ni Speaker Cayetano at posibleng magresulta sa mabagal na trabaho ng kamara.

Kabaligtaran ang nangyari dahil napabilis pa ang trabaho ng Kamara lalo’t ang bawat deputy speaker ay may tinututukang sektor bawat isa. May nakatutok sa edukasyon, climate change at iba pa.

Kayod kalabaw ang ginagawa ng mga kongresista upang hindi maulit ang pangho-hostage sa national budget na nagresulta sa P1 bilyong nawala sa gobyerno bawat araw. Ngayon pa lang, butata na ang mga maiingay na kritiko na pumupuna sa mga hakbanging ginagawa ng Kongreso. Ang panukalang pagtataas ng buwis sa mga inuming nakalalasing ay siyang pagkukuhaan ng pondo para sa Universal Health Care.

Layunin din ng gobyerno ni Digong ba mabawasan ang mga sakit na dulot ng pag-inom ng alak at mabawasan ng 10 porsiyento ang alcohol consumption sa 2025. Kaya ngayong naisumite na sa Kamara ang 2020 national budget, asahan ang doble-kayod na work mode ng mga kongresista.

Ang sabi nga ni Speaker Cayetano pagsisikapan nila na maging “Congress of the People” ang kamara upang mabura ang negatibong pagtingin ng mga tao sa kongreso.

Kaya naman, work, work, work ang mga kongresista.

Yahoo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *