Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

120 Chinese workers na-Dengue sa Bataan

HINDI bababa sa 120 emple­­yadong Chinese nationals ng isang coal-fired power plant ang tinamaan ng dengue virus sa bayan ng Mariveles, sa lalawigan ng Bataan.

Ayon kay Godofredo Galicia, Jr., chairman ng committee on health ng Bataan provincial board, dinala sa pagamutan ang mga apektadong Tsino u­pang malapatan ng lunas.

Nabatid na nagtatrabaho ang mga nasabing dayuhan sa GN Power Coal-Fired power plant na matatagpuan sa Barangay Alas-asin.

Hindi binanggit ni Galicia kung kailan at paano nagka­roon ng dengue ang mga trabahador na Tsino.

Dagdag ni Galicia, bukod sa mga apektadong traba­hador na Tsino, naitala rin ang 278 kaso ng dengue sa bayan ng Mariveles ngayong taon.

Noong isang linggo, iniulat ni Bataan provincial health officer Dr. Rosanna Buccahan na bumaba nang 30 porsiyento ang naitalang kaso ng dengue mula Enero hanggang Agosto ng kasa­lukuyang taon kaysa noong nakaraang taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …