Thursday , December 26 2024

Sa Kamara… Reyna ng Appro ‘kusinera’ rin ng PDAF scam

NAMUMUO ang isang bagong iskema ng korup­siyon sa Kamara ng mga Representante na posi­bleng maghunos bilang “bagong Napoles scam.”

Ayon sa ilang taga-Committee on Appro­priations, ang nilulutong iskema ay tila inobasyon ng tradisyonal na ‘pork barrel scheme’ na kino­kontrol ng binansagang “Reyna ng Appro” na sinabing retiradong direc­tor.

Katuwang ng retira­dong director ang inire­komenda niyang pa­mang­kin para makontrol ang badyet na nakalaan sa priority development assistance fund (PDAF) at Department of Public Works and Highways   (DPWH).

Dating opisyal ng Com­mittee on Appro­priations ang retiradong opisyal pero nagawa niyang makabalik bilang consultant dahil ‘na-hostage’ niya ang proseso sa pagbabadyet at koor­dinasyon sa mga kongresista.

Nagduda ang ilang nagmamasid kung bakit nakabalik sa posisyon ang retiradang opisyal na gumawa ng paraan upang mahawakan ng kanyang pamangkin ang maseselang transaksiyon sa paglalaan ng pondo.

Target sa maniobra ang badyet sa tradisyonal na PDAF ng mga kongre­sista at ang dambuhalang pondo na nakalaan  sa DPWH.

Pinagdududahan ang pagtatalaga bilang con­sultant sa retiradang opisyal dahil hindi siya ‘tauhan’ ng matataas na opisyal sa Kamara tulad nina Speaker Alan Peter Cayetano, Majority leader Martin Romualdez at maging ng incoming speaker na si Rep. Lord Alan Cayetano.

Sinasabing paroon at parito sa ibang bansa ang ‘magtiyahin’ dahil isina­sama sila ng mga kongre­sista sa mga official travel bukod pa ang pambi­hirang lifestyle.

Imbes mag-opisina sa tanggapan ng committee on appropriations, ang magtiyahin ay gumagawa ng transaksiyon sa opisina ng isang kongre­sista na may kontrol nga­yon sa paglalaan ng mga pondo.

Demoralisado ang mga kawani sa Commit­tee of Appropriations dahil itinatago sa kanila ang pag-aayos ng tran­saksiyon sa paglalaan ng pondo.

Nagtatanong ang ilang grupo kung anong ‘mina’ ng kayamanan mayroon ang tanggapan ng committee chairman at kung anong klase ng ‘silya’ ang nasa mesa nito dahil doon naglalagi ang ‘magtiyahin’ sa pag-aayos ng pondo imbes sa tanggapan ng Committee on Appropriations.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *