Tuesday , April 15 2025
itak gulok taga dugo blood

Obrero tinaga ng kapitbahay

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng  isang obrero nang pagtatagain ng kayang kapitbahay matapos madaanan sa isang inuman na nauwi sa mainitang pagtatalo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Ronnel Diwata, residente sa Block 4 Kadima, Brgy. Tonsuya sa nasabing lungsod, sanhi ng taga sa ulo.

Patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na kinila­lang si Renato Clarite, 35 anyos, mabilis na nakatakas matapos ang pananaga.

Sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Ernie Baroy, dakong 9:00 pm nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Block 4 ilang metro ang layo sa bahay ng mga sangkot.

Naglalakad umano ang biktima sa lugar at pauwi nang madaanan ang grupo ng suspek na nag-iinuman.

Sa hindi malamang dahilan, kinompronta ng suspek ang biktima na naging dahilan ng kanilang pagtatalo hanggang biglang maglabas ng jungle bolo si Clarite at tinaga sa ulo si Diwata.

Matapos tagain, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksiyon dala ang ginamit na jungle bolo habang isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa Ospital ng Malabon bago inilipat sa natu­rang pagamutan.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *