Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

6 arestado sa buy bust sa Navotas

ANIM na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang dalaga ang arestado sa magka­hiwalay na buy bust operation ng mga pulis sa Navotas City.

Ayon kay Navotas Police chief P/Col. Rolando Balasabas, 6:30 am nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Eric Roxas ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA kontra kay Ernesto Valle, alyas Onyok, 50 anyos, sa Area 1 Brgy. Dagat-Dagatan, NBBS.

Kaagad sinunggaban si Onyok matapos tanggapin ang P300 marked money mula kay P/Cpl. Leopoldo Lumbang Jr., na umaktong poseur buyer at narekober sa kanya ang buy bust money at isa pang sachet ng shabu.

Nasakote rin sa operasyon si Philip Ongsitco, 40 anyos, truck driver; Mary Jane Bourlaos, 21, at Melchor Castro Jr., ma­ngingisda, matapos makuhaan ng tig-isang sachet ng hinihinalang shabu.

Dakong 3:00 am, nadale din ang magkamag-anak na sina Raymart Buenaventura, 25 anyos, at Percival Buena­ventura, 35 anyos, matapos magbenta ng shabu kay Pat. Jose Flores na nagpanggap na poseur buyer sa buy bust operation sa Cadoring St., Brgy. North Bay Boulevard North.

Ayon kay SDEU investigator Jaycito Ferrer, narekober sa mga suspek ang P300 buy bust money, P200 bill at dalawa pang sachet ng hinihinalang shabu.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *