SUMAKAY ako sa Bacoor, ang biyahe ay Paliparan – Lawton pero ang karatula niya Lawton lang po. Dapat ang pasahe ay P55 lang pero sumisingil siya ng P70, kahit students at senior citizen walang discount dahil Express ang daan niya.
Ang masama rito ginagamit niya ang tarpaulin ni Pres. Duterte at Sen. Bong Go. Buong van n’ya may tarpaulin pictures sa gilid at likod.
Ruta niya ay Bacoor entry Expressway, Bonifacio, Makati entry, Buendia Exit going to United Nations Ave., then Taft to Lawton.
Puwede po ba paki bato sa MMDA, LTFRB, at DOTr.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap