NAGDEKLARA ng no fly zone sa House of Representatives sa Batasan Pambansa at sa buong bisinidad nito ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) mula 20-23 Hulyo 2019.
Ito ay bahagi ng security at safety procedures sa First Regular Session ng 18th Congress at 4th State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay CAAP spokesman Eric Apolonio, mula 20 Hulyo dakong 9:00 am hanggang 21 Hulyo dakong 11:00 am, ang drones at eroplano ay limitado sa paglipad sa loob ng 10-kilometer radius ng Batasan Pambansa.
Habang ang training flights ng flying schools na nakabase sa Luzon ay suspendido mula 12:00 am ng 22 hulyo hanggang 12:00 am ng 23 Hulyo.
Dagdag ni Apolonio, mananatili ang no fly zone mula 2:00 am hanggang 9:00 am 22 Hulyo sa loob ng 4 nautical miles radius mula sa lupa pataas ng 10,000 feet AMSL (above mean sea level) sa House of Representatives. (JSY)