Wednesday , December 25 2024

It’s game over… Kazuo Okada durog

GAME OVER na para kay Japanese pachinko king Kazuo Okada matapos ang magkahiwalay at sunod-sunod na desisyon ng mga korte sa Japan at Filipinas laban sa kanya.

Sa 12-pahinang desi­syon noong 10 Hulyo, ibinasura ng Tokyo High Court ang apela upang ipawalang bisa ang district court decision na nagpatibay sa ‘trust agree­ment’ na ginawa ng babaeng anak na si Hiromi pabor sa kanyang kapatid na si Tomohiro na nagbibigay ng voting rights at disposal of shares ni Hiromi kay To­mo­hiro sa Hong Kong-based na Okada Hold­ings, ang majority share­holder ng Universal Enter­tainment Corp. (UEC).

Ang UEC, isang publicly-listed company sa Japan, ang nagma­may-ari ng 99.99 porsi­yento ng Tiger Resort Leisure & Entertainment Inc. (TRLEI), ang kompan­yang Filipino na nagma­may-ari at nagpapatakbo ng magarang Okada Manila Resort sa Para­ñaque.

Sa nauna at hiwalay na desisyon noong 4 Hulyo, ibinasura ng Para­ñaque regional trial court ang pakiusap ni Kazuo na isantabi ang mga war­rant para siya arestohin dahil sa krimeng paglus­tay ng TRLEI funds na mahigit US$3.1 milyon noong siya pa ang chair­man at chief executive officer ng hotel at gaming company.

Dahil sa July 10 decision nito, tinuldukan ng Tokyo High Court ang mga pagtatangka ng gaming tycoon na muling mabawi ang pamama­lakad ng UEC at TRLEI sa pamamagitan ng pag­pa­pawalang bisa ng trust agreement sa pagitan nina Tomohiro and Hiro­mi, na may 9 porsi­yen­tong voting shares sa Okada Holdings.

Si Tomohiro ay may kabuuang 53 porsiyen­tong voting rights sa Okada Holdings na gina­mit upang patalsikin ang nakatatandang Okada mula sa UEC at TRLEI noong nakalipas na taon.

Si Kazuo ay isang minority shareholder la­mang sa Okada Holdings.

Sinabi ng High Court na walang legal na basehan upang baliktarin ang naunang desisyon ng district court laban kay Hiromi.

“For the reasons above, the original judge­ment is reasonable and this appeal is groundless. Accordingly, this court renders its judgment… to dismiss this appeal,” ayon sa High Court.

Noong Enero ngayong taon, pinaboran ng Tokyo district court si Tomohiro matapos  ibasura ang peti­syon ni Hiromi na kumukuestiyon sa bisa ng trust agreement ng magkapatid sa pag-asa na maibabalik si Okada sa kanyang puwesto sa mga corporate board ng UEC at TRLEI. Hinamon ni Hiromi ang district court decision sa Tokyo High Court.

Pero sa pagbabasura sa apela ni Hiromi, sinang-ayunan ng Tokyo High Court ang bisa ng trust agreement sa pagi­tan ng magkapatid.

Ang mga share­holding rights ay kinom­pirma at ginamit ni To­mo­hiro sa shareholders’ meeting ng UEC at TRLEI at Okada Holdings alin­sunod sa mga batas ng mga bansa na naka­rehistro ang mga kom­pan­ya.

Noong 2018, nagsam­pa si Kazuo Okada ng civil intra-corporate case sa isang Philippine court upang muli siyang mai­puwesto bilang direktor ng Okada Manila ngunit ibinasura ng hukuman.

Ipinaliwanag ng TRLEI na walang legal na basehan ang reklamo ni Kazuo Okada dahil wala siyang shares sa TRLEI. Samakatuwid, wala siyang karapatan na iboto ang sarili para sa board of directors ng kompanya.

Maayos ang takbo ng Okada Manila Resort na kasalukuyang nakara­ranas ng mabilis na pag­lago  sa unang anim na buwan kompara sa pare­hong panahon nuong isang taon matapos kumita ng US$339 mil­yon.

Ayon sa Okada Manila, umaarangkada ang kanilang mga plano sa pagpapalawak ng negosyo kabilang rito ang pagbubukas ng karag­dagang hotel rooms at pagpapalakas ng mga  restaurant at retail offering.

Ang nakatatandang Okada ay nahaharap din sa pagkakakulong sa Pilipinas dahil sa kasong estafa kaugnay ng ilegal na paggamit ng company funds.

Sinubukan niyang pigilan ang warrant of arrest ngunit hinadlangan siya ng Regional Trial Court ng Parañaque.

Ang order kamaka­ilan ay kompirmasyon sa patuloy na bisa ng mga warrant of arrest laban sa kanya.

At large pa rin ng Falipinas si Kazuo at hindi pa sumusuko sa mga awtoridad ng Fili­pinas. Bukod sa kanyang mga arrest warrant, sangkot din si Kazuo sa ilang mga kasong krimi­nal at sibil sa Japan, Hong Kong at US.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *