Wednesday , April 16 2025
shabu drug arrest

Civil engineer, 4 pa arestado sa bala at shabu

LIMANG hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang civil engineer sa isinagawang buy-bust operation kontra sa ilegal na pagbebenta ng bala ng baril sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) head P/Lt. Melito Pabon ang mga naarestong suspek na sina Crispin Vizmamos, 59, civil engineer at Karen John Montalban, 34, kapwa taga-Tondo, Maynila; George Morales, 44 anyos, Rannie Valverde, 36 anyos, Edwin Espera, 41, pa­wang taga-May­pajo, sa lungsod.

Sa imbes­tigasyon ni P/Cpl. Mark Jhovie Sales, dakong 8:00 pm nang ikasa ng mga operatiba ng NPD-DSOU sa pangu­nguna ni P/MSgt.Joel Rosales, kasama ang Caloocan police na pinamumunuan ni P/Col. Noel Flores ang buy bust operation kontra ilegal na pagbebenta ng baril sa A. Mabini St., Brgy. 33, Maypajo.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakabili ng 20 piraso ng bala ng kalibre .45 baril sa isa mga suspek kapalit ng P400 marked money at nang magkaaabutan agad dinamba ang mga suspek. Narekober sa mga suspek ang buy bust money at 15 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P40,000 ang street value. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Sara Discaya Team KAYA THIS

Team KAYA THIS, nanawagan sa Comelec

NANAWAGAN ngayong Martes ang TEAM KAYA THIS ng Pasig City sa Commission on Elections (COMELEC) …

Water Faucet Tubig Gripo

Kompanya ng mga Villar sinisi sa kawalan ng tubig sa iba’t ibang lugar 

BINATIKOS ng mga konsumer mula sa iba’t ibang panig ng bansa si Las Piñas representative …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *