Saturday , November 16 2024

2 kawani ng towing company huli sa entrapment 2 pa wanted

DALAWANG kawani ng isang towing company ang dinakip, habang dalawa nilang kasamahan ang nakapuslit matapos maisahan ng kanilang bibiktimahin naglatag ng entrapment sa mga pulis, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Swak sa kulungan ang mga suspek  at kakasuhan ng robbery extortion sina JR Torres, 24 anyos, ng  Bibilat Alaiga, Nueva Ecija; at Mila Pao-Alonte, 39 anyos, biyuda, ng 22 Sampaguita St., Karuhatan, Valenzuela City; habang nakapuslit sina Alexander Almillo at Jon Norman Abrencillo.

Nabatid, dakong 3:00 pm, minamaneho ni Richard Valila, 30 anyos, ang isang puting Mitsubishi L300 (UKA-160), kasama si Vincent Hipolito Indino, 21, estudyante, nang tumirik sa Gen. Mascardo St,, malapit sa kanto ng EDSA, Brgy  140, Caloocan City, kaya itinulak ni Indino papuntang sidewalk.

Ilang sandali lamang ay duma­ting sa eksena ang Isuzu Elf  na may body number 333, at puwersahang hinila ang tumirik na L300 patungong A. Bonifacio, Quezon City.

Agad tinawagan ni Valila ang among si Jenny Cabe, 42, negosyante at ipinaalam ang pangyayari hanggang nakipagnegosasyon sa mga suspek at nakipagkasundong magbibigay ng P4,000 para ibalik ang L300 sa kanila.

Lingid sa mga kawatan ay kumontak sa  mga pulis si Cabe  at nailatag ang isang entrapment operation laban sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip kina Torres at  Pao-Alonte at pagkakabawi sa P4,000  marked money.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *