Saturday , November 16 2024
knife saksak

17-anyos obrero kritikal sa saksak

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 17-anyos obrero matapos saksakin ng kapitbahay makaraang tangkaing ipaghiganti ang kanyang kaibigan na unang binugbog ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Patuloy na ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang kinilalang si Michael Salcedo, ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon, sanhi ng mga saksak sa katawan habang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na si Christian Lauron, 22.

Sa nakarating na ulat kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, unang binugbog ng suspek ang malapit na kaibigan ng biktima na si  alayas Biboy sa hindi malamang dahilan.

Dakong 11:25 pm, nang malaman ni Salcedo ang insidente kaya humingi siya ng tulong sa kanyang kuya at kasama si Biboy ay sinugod ang suspek sa bahay.

Gayonman, nang mapansin ni Lauron na susugurin siya ng tatlo ay kumuha ng patalim at inunahang ng pagsaksak sa katawan si Salcedo habang si Biboy at kapatid ng biktima ay pinagtulungan bugbugin ang suspek na nagawang makatakas. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *