Sunday , May 11 2025

National Dengue Alert, idineklara ng DOH

NAGDEKLARA ang Department of Health (DOH) ngayong Lunes, 15 Hulyo, ng National Dengue Alert sa bansa dahil sa mabilis na pag­taas na kaso ng naka­mama­tay na sakit sa ilang rehiyon.

Ito na ang kauna-unahang pagkakataon na itinaas ang naturang alerto sa bansa.

Ang dengue ay pina­ka­mabilis na kumakalat na infectious disease sa buong mundo.

Nakaaapekto ito sa daang-milyong indibi­duwal at nagiging dahilan ng pagkamatay ng nasa 20,000 katao, partikular sa mga bata kada taon.

Noong 2017, itinigil ng gobyerno ang pagbe­benta ng dengue vaccine na Dengvaxia at ang pag­gamit nito sa immu­nization drive sa bansa matapos isiwalat ng Sanofi, ang French maker nito, mas nakasasama ito para sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Itinuturo rin ang Dengvaxia na umano’y naging sanhi ng kamata­yan ng ilang estu­dyan­teng nabakunahan nito.

Dahil sa isyu, buma­ba ang bilang ng mga nagpapabakuna sa bansa nang 40 percent noong nakaraang taon mula sa average 70 percent sa mga nakalipas na taon.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

TRABAHO Partylist, umapela sa dagdag na Digital Services Tax para sa freelancers

UMAPELA ang TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, sa mga mambabatas na magsulong rin ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *