HINDI umabot nang buway sa ospital ang isang 48-anyos kasambahay habang naglalakad sa kalsada matapos mabangga ng motorsiklo, habang dalawa ang sugatan sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Capitolina Bejerano, residente sa Abbey Road II, Brgy. 73, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.
Habang ang dalawang angkas ay ay may sugat sa kanilang katawan at ginagamot din sa naturang ospital na kinilalang sina si Robert Ylanan, 23, at Romualdo Zabala, 19, kapwa bakery helper sa Barangay 74.
Sa natanggap na report ni Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, dakong 4:20 am nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Heroes Del 96 St., Brgy. 73 sa nasabing lungsod.
Mabilis umano ang patakbo ni Joemar Arresgado,19 anyos, sa minamaneho niyang Honda motorcycle (NA- 88193) habang tinatahak ang kahabaan ng nasabing lugar, angkas si Ylanan at Zabala nang masagi ang isang nakaparadang tricycle sa gilid ng kalsada.
Sa lakas ng impact, nawalan ng control si Arresgado hanggang mabundol ng motorsiklo ang biktima na naglalakad pauwi.
Kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injuries, damage to properties at paglabag sa RA 4136 o the Land Transportation and Traffic Code ang isinampa ng pulisya laban kay Arresgado sa Caloocan City Prosecutors’ Office. (R. SALES)