Wednesday , April 16 2025
prison

Live-in, kaibigan kapwa binugbog kelot kalaboso

SA KULUNGAN bumagsak ang 24-anyos lalaki matapos bugbugin ang kanyang live-in partner maging ang nagmalasakit na matalik na kaibigan sa Valenzuela City kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay Valenzuela police chief P/Col. Carlito Gaces, dakong 4:00 pm nang muling makatikim ng kalupitan sa kamay ng suspek na si Louie Alban, walang hanapbuhay, ang kanyang kinakasama na si Jean Brusola sa loob ng kanilang tirahan sa Blk 6 Lot 15, Camia St., Doña Marciana Subdivision, Brgy. Ugong.

Nagsumbong si Brusola sa kaibigang si Sally Official, 36, na nakatira rin sa naturang bahay at sa kagustuhang matulungan ang biktima, kinausap ng ginang ang suspek sa pag-asang hindi na niya sasaktan ang kinakasama.

Ikinairita ito ng suspek at pinagsasapak ang ginang sa mukha at likurang bahagi ng ulo.

Dahil dito, magkasamang nagtungo sa Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 8  ang magkaibigan at isinumbong ang ginawa ng suspek na naging dahilan upang dakpin siya ng pulisya. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *