Saturday , November 16 2024

Laborer pisak sa bumagsak na steel pulley

PISAK ang isang construction worker matapos madaganan ng kumalas na steel pulley ng isang crane sa isang construction site sa Sampaloc, May­nila.

Kinilala ang biktima na si Marcoso John Eric Ludor, 23 anyos.

Nabatid, 11:00 am nang mangyari ang insidente sa ginagawang condominium building na aabot sa 30 palapag sa kanto ng mga kalyeng P. Margal St., at Dos Cas­tillas, sa Sampaloc, May­nila.

Nasa ibaba umano ang biktima nang kumalas ang steel pulley ng crane na bumubuhat ng mga kagamitan para sa constructioan nang mabagsakan ang laborer.

Pagbagsak ng steel pulley, tumilapon ang biktima at sumuot sa mga nakatambak na bakal.

Samantala, nag­pada­la ng tauhan ang Depart­ment of Labor and Employment (DOLE) upang mag-inspeksyon sa naturang construction site.

Ayon kay Labor ASec. Joji Aragon, inatasan siya ni Labor Secretary Silves­tro Bello III na imbes­tigahan ang insidente at kunin ang mga impo­r­masyon sa biktima upang mabigyan ng  ayuda.

Hinihintay na rin ang safety officer ng labor department na mag-iinspeksyon sa buong con­struction site ng Momen­tum Construction and Development Cor­po­ration sa nasabing lugar.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *