Tuesday , December 24 2024

Pangako sa huling SONA, natupad ni Duterte

TINUPAD ni Pangulong Rodrigo Rodrigo Duterte ang kanyang pangako sa huling State of the Nation Address (SONA) niya na magkakaroon ng bagong major player sa telecommunications industry sa inisyung Certificate of Public Convenience and Necessity Issuance Ceremony (CPCN) sa Malacañang kamakailan.

Personal na sinamahan si Duterte nina NTC Commissioner Gamaliel A. Cordoba at Department of Information and Communications Tech­nology (DICT) Sec. Gregorio B. Honasan II sa pagkakaloob ng CPCN kay MISLATEL Chairman Dennis Uy.

“President Duterte’s third telco initiative coupled with the implementation of the mandatory unlocking of phones, the mobile number portability act, the implementation of the Common Tower Policy, the removal of text and call interconnection charges, and the implementation of the National Broadband Plan will greatly benefit the Filipino consumer,” sabi ni Cordoba sa kanyang talumpati.

Idinagdag ni Cordoba na natupad din ang pangako sa SONA ni Duterte na magkakaroon ng ikatlong telco sa industriyang pinoprotektahan ng duopoly para matiyak ang pagpasok ng MISLATEL na magkakaloob ng mabilis na internet ser­vices sa abot-kayang presyo.

Sa pag-isyu ng CPCN, binig­yan ng NTC ang MISLATEL ng lisensiya na mag-operate ng frequency bands 700 megahertz (MHz), 2100 MHz, 2000 MHz, 2.5 gigahertz (GHz), 3.3 GHz at 3.5 GHz.

Tatakbo ang MISLATEL sa pangalang Dito Telecommunity para matupad ang pangako nitong 37.03% national coverage na may average speed na 27 Mbps sa unang taon ng opera­syon. Inaasahang sa ikalimang taon ng operasyon ay makokober nito ang 84.01% ng populasyon sa average speed na 55 Mbps.

Tiniyak ng MISLATEL ang pananagutan sa paglalagak ng performance bond na nagkaka­halagang P25.7 bilyon.

“Accompanying this bond is a commitment – that I will hold you to that commitment – that you will improve the country’s pre­vailing Internet speed from 4.5 Mbps to 55 Mbps,” sabi ni Duterte. “Break the pre­vailing duopoly in the tele­com­munications industry and fulfill your commitment to provide better telco services to our people.”

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *