NANINIWALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG), dapat tularan si Manila Mayor Farncisco “Isko Moreno” Domagoso ng iba pang mga alkalde sa bansa.
Ito ang naging reaksiyon ni Interior Undersecretary Epimaco Densing sa unang mga linggo ng alkalde na naging matunog dahil sa kabi-kabilang clearing operations.
Ayon kay Densing, isa itong magandang template na dapat ipatupad ng iba’t ibang LGUs.
Pinuri rin niya ang naging order ni Moreno na nagpapatanggal sa pangalan ng mga politiko sa government projects.
Ibinahagi ni Densing ang suspesniyon sa isang mayor sa Central Luzon dahil sa paglalagay ng kanyang mukha sa ilang mga ari-arian ng gobyerno.
Sa huli, nagbabala ang opisyal sa mga opisyal ng gobyerno na tatamad-tamad na maaari silang makasuhan dahil sa gross neglect of duty.