Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

Bebot todas sa boga ng nagseselos na Ex

POSIBLENG masidhing panibugho ang nagtulak sa lalaki na barilin ang kan­yang dating nobya sa Parañaque City kahapon ng umaga.

Namatay noon din ang biktimang si Gigi Des­pi, nasa hustong gu­lang, residente sa Bara­ngay Baclaran sa tama ng mga bala ng kalibre .45 baril sa katawan.

Nagsasagawa ng man­hunt operation ang mga awtoridad laban sa tumakas na suspek na kinilalang si Arnel Pareño, 17 De Marso St., Bgy. Baclaran ng lungsod.

Base sa isinumiteng report ni P/Maj. Jolly Soriano, hepe ng Police Community Precinct (PCP-1), kay Parañaque Police chief P/Col. Roge­lio Rosales, nangyari ang pamamaril sa tapat ng bahay sa  17 De Marso St., Bgy. Baclaran ng nabang­git na lungsod dakong 9:06 am batay sa ulat na natanggap ng PCP-1.

Agad nagresponde ang mga tauhan ng PCP-1 at dito naabutan ang nakahandusay na kata­wan ng babae pero wala nang buhay.

Sa isinagawang pag­si­si­yasat at pagtatanong ng mga nagrespondeng pulis sa ilang nakasaksi ng insidente, sinabing dating nobyo ng biktima ang suspek.

Matagal na umanong hiwalay ang dalawa sa hindi malamang dahilan.

Isa sa sinisilip ng pulisya na posibleng selos o love triangle ang motibo ng pamamaslang.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …