Sunday , December 22 2024

Imbestigahan Island Cove Animal Island!

TOTOO ba itong narinig natin na umabot na raw sa 36,000 ang Chinese workers na ini-empleyo ang Island Cove Animal island na pag-aari ni Kim Wong na matatagpuan sa Kawit, Cavite?

Kompleto kaya ang working permits ng mga ‘yan?

Ang alam kasi natin ay hindi swak na mabigyan ng SWP (special working permit) ang mga tsekwang nagtatrabaho sa mga konstruk­syon maliban na lang kung ang skill nila ay hindi angkop sa trabahong Pinoy?!

Hindi lang umano ang libo-libong kababayan nating Pinoy ang inagawan ng trabaho kundi maging ang “mangrove site” na karatig ng naturang isla ay inubos din para pagtayuan ng malalaking gusali upang gawing “sanctuario” ng offshore gaming?!

Wattafak!?

Anong klaseng kasalaulaan ito!?

Hindi lang binaboy ang nasabing isla kundi maging ang kalikasan ay nababoy din?!

Saan pa kukuha ang mga isda ng kakainin nila? Saan sila magkakanlong upang sila ay magparami?

Kung mawawala ang mga isda sa lugar na ‘yan, paano naman ang mga pobreng mangingis­da na umaasa sa grasya ng karagatan?

Buong ecosystem ang nawasak dahil sa pakinabang ng ng mga negosyanteng ‘yan kapalit ang kabuhayan na inaasahan ng maliliit nating kababayan!

Bathalang mahabagin!

Kailan pa matatauhan ang ating Inang bayan? Ang ating gobyerno? Ang mga kinauukulan?

Kung kailan tayo ay tuluyang nasakop na ng mga singkit na ‘yan?

Dalangin natin na huwag sanang kalikasan ang maghusga sa kanila!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *