Saturday , November 16 2024

‘Divine intervention’ ni Digong kailangan sa Speakership — Salceda

NAIS ng ilang mambabatas na makialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa House Speakership race upang maiwasan ang vote buying at pagtindi ng kaguluhan sa panloob na usapin ng mga partido.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, walang magaganap na matinding gulo kung ngayon pa lamang ay magpa­param­dam na si Pangulong Duterte kung sino ang napipisil niya kina Leyte Rep. Martin Romualdez, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, at Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Nauna rito, kanya-kanyang tanggi ang mga partido partikular ang PDP Laban, Nationalist People’s Coalition (NPC), at Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI) sa ipinalabas na ‘manifesto of support’ na nag-eendoso kay Velasco.

Nagkaroon umano ng lamat sa loob mismo ng mga partido na may kanya-kanyang manok sa speakership dahil sa lumabas na ‘manifesto.’

Iniulat din na nag­banta si PDP Laban Presi­dent Aquilino “Koko” Pimentel III na ang hindi bobotong party members sa kanilang ieendosong speaker ay mamili kung mananatiling kasapi ng partido o hindi.

Si 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ay nanganganib na mapa­talsik bilang Pangulo ng PCFI matapos lumagda sa ‘manifesto of support’ pabor kay Velasco na hin­di sinasang-ayonan ng kanyang mga miyembro.

Sinabi ni Salceda, walang gerang magaga­nap sa mga kandidato bilang Speaker at sa mga supporter nila sa Kamara kung magkakaroon ng ‘divine intervention’ mula sa Malacañang.

Kapag nakapili ang Pangulong Duterte, tiyak na titigil ang mga espeku­lasyon at iba’t ibang isyu sa Speakership race.

Giit ni Salceda, dahil ipinauubaya ng Pangu­long Duterte kay House Speaker Gloria Arroyo ang pagpili ng susunod na Speaker, malaki ang bentaha ni Romualdez na kanyang iniendoso.

Ngunit para sa ilang mambabatas hindi dapat iasa ni Pangulong Duterte sa iba ang pagpili ng su­su­nod na House Speaker.

Sinabi ni political analyst Ranjit Rye, dapat may kompiyansa si Pa­ngu­long Duterte sa itata­lagang House Speaker na kayang i-deliver ang kan­yang legislative agenda lalo’t krusyal ang nala­labing 3-taon termino para maisakatuparan ang kanyang mga pangako sa bayan.

HATAW News Team

Hindi makikialam
sa Speakership
race pero…
DUTERTE PABOR
SA TERM SHARING
NG 2 ALLAN
SA HOUSE

PABOR si Pangulong Rodrigo Duterte sa term sharing bilang House Speaker kina Taguig Rep. Allan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa nala­labing 3-taon ng kanyang administrasyon.

Ibig sabihin, hindi kursunada ng Pangulo na maging Speaker ang isa pang contender na si Leyte Rep. Martin Romualdez.

Gayonman, tiniyak ng Pangulo na hindi siya makikialam sa pagpili ng magiging bagong Speaker sa 18th Congress.

Samantala, nagbabala ang Pangulo sa mga nag­babalak maghain ng impeachment laban sa kanya na hindi nila magu­gustohan ang kanyang gagawing hakbang.

Posible din umano na magsagawa siya ng mini-cabinet revamp.

“You fuck with me at ipakita ko sa inyo how not to run properly the govern­­ment,” sabi ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *