Monday , December 23 2024

DA Secretary Manny Piñol, naghain ng courtesy resignation

NAGPADALA ng courtesy resignation si Agriculture Secretary Manny Piñol kay Pangulong Rodrigo Duterte, bilang pagpapahayag ng kahaandaang bumaba sa puwesto sakaling wala nang tiwala ang Pangulo sa kaniya.

Kinompirma ito ni senator-elect Christopher Go ngayong hapon, bago ang kaniyang oath taking sa Malacañang.

Sinabi ni Go, nagpadala ang kalihim ng liham kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng email.

Bagamat hindi gaanong idinetalye ni Go ang nilalaman ng liham, sinabi umano ni Piñol na kung wala nang tiwala ang Pangulo sa kaniyang serbisyo ay willing siyang bumaba sa puwesto.

Inirekomenda ni Piñol ang tatlong undersecretary ng DA upang pumalit sa kaniya sa pwesto.

Sinabi ni Go, posibleng may kinalaman ito sa naranasang problema sa suplay ng bigas noong nakaraang taon.

Sa kasalukuyan, hindi pa tinatanggap ng Pangulo ang resignation ni Piñol. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *