Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong seaman party-list congressman American citizen, ipinetisyon sa Comelec

NAMIMILIGRONG hindi makaupo bilang kinatawan ng party-list ng mga marino (seaman) si Jose Antonio G. Lopez, makaraang kuwestiyonin ang kanyang pagiging American citizen sa Commission on Elections (Comelec).

Sa kanyang 21-pahi­nang petisyon, sinabi ni Ruther Navera Flores, residente ng Pasig City, hindi karapat-dapat na maging pangalawang kinatawan si Lopez ng Marino, Samahan ng mga Seaman Inc., Party-list ayon sa sinasaad sa Section 68 ng Omnibus Election Code at Section 9 ng Republic Act No. 7941 o ang Party-list System Act.

Sinasabi sa batas na ang sinomang immigrant o permanenteng residente sa ibang bansa  ay hindi kalipikadong tumakbo o maging kandidato  sa anomang posisyon sa gobyerno lalo kung hindi niya iniurong o tinalikuran ang kanyang pagiging foreign citizen.

Ayon kay Flores, walang ginawang legal na hakbang si Lopez upang i-waive ang kanyang American citizenship bago kumandidato nitong nakaraang May 13 polls kung kaya’t siya ay hindi karapat-dapat maging miyembro ng Mababang Kapulungan.

“Respondent Lopez is a permanent resident or immigrant of a foreign country, and, hence, clearly ineligible to run and hold public office as party-list representative for failure to satisfy the one-year residence require­ment,” ayon sa petisyon.

Malinaw na pinal­sipika ni Lopez ang mga dokumento upang luma­bas na siya ay maging kalipikadong kandidato o second nominee ng Marino party-list, ani Flores.

Mariing hiniling sa Comelec ang agarang pagresolba sa kanyang petisyon bago pormal na magbukas ang 18th Congress sa susunod na buwan at maiwasan ang ilegal na paggamit ng pondo ng bayan.

“If and when he (Lopez) will get his proclamation, then he will be entitled to use the funds of the Filipino people, that is why we are asking the Comelec to act on this petition imme­diately and observe what is just and right,” giit ni Flores.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …