Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Ang kabuktutan ng mga Intsik

The one charm about marriage is that it makes a life of deception absolutely necessary for both parties.

— Irish poet Oscar Wilde

 

KUNG nakababahala ang ginagawang pambu-bully ng mga Intsik sa ating mga mangingisda sa West Philippine Sea, dapat din malaman ang iba pang kabuktutan ng mainland Chinese sa ‘rest of the world.’

Bukod sa pangangamkam ng teritoryo ng may teritoryo at pagbalewala sa soberanya ng mga kapit-bansa, ang China ay sadyang pumapatay sa eknomiya ng ibang bansa sa pamamagitan ng pamemeke ng kanilang mga produkto at pagbebenta ng mga pagkain, kagamitan at maging teknolohiya na walang kalidad at below standard sa pandaigdigang sukatan.

Idagdag rito ang kanilang pagkukunwari sa mga mahihirap na bansa bilang kaibigan para umutang sa kanila at kapag hindi nakabayad ay tiyak na gigipitin ang nangutang para makamkam nila ang kanilang mga pinag-iimbutan.

At bukod sa masamang ugali ay wala rin respeto sa kapwa, lalo sa kababaihan, ang mga Intsik.

Kamakailan lang ay naaresto ang maraming mga Tsino kasama ang sinasabi nilang mga asawa o katipan sa mga raid na isinagawa ng Pakistani Federal Investigation Agency. Kabilang ang mga kababaihan sa mga biktima ng human trafficking network na ngayo’y namamayagpag  sa China at bumibiktima ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Ang modus ng sindikato ay akitin ang mga babae na magpakasal sa mga lalaking Intsik bago ibenta bilang mga prostitute.

Isa sa mga biktimang nasagip ng mga awtoridad ang nagkuwento ukol sa kanyang mapait na karanasan matapos mag-asawa ng isang Chinese ‘gentleman’ na kalaunan ay siyang nagbenta sa kanya sa mga parokyano sa lungsod ng Urumqi, na kabisera ng Xinjiang Uygur Autonomous Region sa hilagang-kanlurang bahagi ng People’s Republic of China.

Pagdating pa lang umano sa hotel na tinutuluyan ng sinasabing ‘gentleman’ ay agad siyang ikinandado sa loob ng isang silid at doo’y sapilitang pinagtatalik sa iba’t ibang lalaki na mga kostumer ng kanyang asawa.

At isa pang 30-anyos na dalaga ang ibinenta ng kanyang mga kapatid na lalaki sa isang lalaki na nagdala sa kanya sa isang bahay sa Islamabad, at doo’y ginahasa siya ng iba’t ibang mga Intsik na lalaki sa loob nang isang linggo. Nang makatakas ang biktima at bumalik sa kanyang tahanan, binugbog pa siya ng kanyang mga kapatid at ibinalik sa naging asawa niya.

Sa gitna ng mga sumbong ng pang-aabuso at sapilitang pagbebenta sa mga kabataang babae, itinanggi ng ambassador ng China sa Pakistan ang mga sinasabi niyang mga tsismis lamang.

Ngunit salungat dito ang pahayag ng isang Paskistani human rights activist na si Saleem Iqbal:

“China is denying it is happening, but we are showing the proof.”

Dangan nga lang ay protektado umano ng mga tiwaling opisyal ang sindikatong nasa likod ng bentahan ng kababaihan, at nagsilbing tagapamagitan ng mga Intsik at mga awtoridad sa Pakistan.

 

REAKSIYON:

Kung nangyayari ito sa Pakistan, na tulad ng Filipinas ay sadlak din ang malaking bahagi ng kanilang mamamayan sa matinding kahirapan, hindi kaya may mga ganitong kaso rin dito sa ating bansa?

Nagtatanong lang po…

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *