Saturday , November 16 2024

PDP Laban, party-lists pumalag sa manifesto pabor kay Velasco (Walang takutan — Salceda)

PUMALAG ang mga miyembro ng PDP- Laban at party-lists coalition sa inilabas na “manifesto of support” ni Senator Manny Pacquiao na nag­sasabing suportado nila at ng ibang partido sa Kamara ang Speakership bid ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, ngunit ang katotohanan, walang basehan ang manifesto dahil hindi dumaan sa konsultasyon ng kanilang mga miyembro.

Sa pagpalag ng mga miyembro, lumalabas, ang mga lider ng partido ang sumusuporta kay Velasco ngunit hindi ito consensus ng mga mi­yem­bro.

Pumalag sina Ana­kalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, at TUCP Party-list Rep. Raymond Mendoza sa paglagda ni Party-list Coalition Foundation Inc., Mike Romero sa manifesto of support kay Velasco.

Anila, unfair na pala­basin ni Romero na ang buong PCFI ang sumu­suporta sa Speakership bid ni Velasco.

“To speak for the partry-list bloc is unfair, it’s illegal, no basis for that. Kung ang inilagay ni Romero sa manifesto ay 1Pacman Party-list ang sumusuporta kay Velas­co ay wala sanang pro­blema, pero ‘yung isama ang buong PCFI ay hindi ito ang aming napag-usapan,” pahayag ni Defensor.

Gayondin din ang sentimyento ni TUCP Party-list Rep. Raymond Mendoza, aniya, ngayon lamang nangyari ang ganito na nagsasalita ang tumatayong Pangulo ng bloc at nagdedesisyon nang walang konsul­tasyon sa kanila.

“‘Yung ginawa niya (Romero)  runs counter to the procedure of the trust and confidence given to a leader of a bloc, I have not seen this, it’s something na hindi namin gusto,” paha­yag ni Mendoza nang mala­man nila ang pag­papalabas ng manifesto of support ni Romero sa kanilang viber group at ikinabigla ng mga miyem­bro.

Sinabi ni Defensor, hindi nila alam kung saan patutungo ang nagaga­nap sa kanilang koa­lisyon.

“May meeting na ipinatawag pero ‘yung iba ay walang ganang duma­lo. We are in dilemma,  we don’t know how to address, ira-ratify ba ito o simula ng pagbagsak ng koalisyon,  wala na ba kaming samahan, hindi kasi simple ang pagpir­ma, as president that was really against any of the previous agreements,” dagdag ni Defensor.

Sa mga tanong kung maaaring palitan si Ro­me­ro, sinabi ni Defensor na maaari naman, at kung may numero sila para patalsikin bilang presidente ng PCFI, mayroon din umano.x

Inamin ni Albay Rep. Joey Salceda, walang nangyaring konsultasyon sa mga miyembro ng PDP-Laban bago iendoso si Velasco bilang House Speaker.

Giit ni Salceda, dapat konsultahin din silang mga miyembro sa isyu ng Speakership at hindi lamang desisyonan ng mga lider lalo at mayroon din silang mga nagawa para maipanalo ang administration bets noong nakaraang eleksiyon.

Pinalagan din ni Salceda ang pananakot ni PDP Laban President Koko Pimentel na paru­rusahan ang mga PDP-Laban members na hindi boboto kay Velasco.

Aniya, hindi maaa­ring daanin sa takutan ang pagboto sa speaker­ship.

HATAW News Team

Umiwas
sa speakership
DUTERTE AYAW
MAMOLITIKA

HINDI mag-eendoso si Pangulong Rodrigo Du­ter­te ng kanyang manok para maging susunod na Speaker ng Kamara de Representantes.

Ito ang sinabi kaha­pon ni Presidential Spokes­man Salvador Panelo kasunod ng en­doso ng PDP-Laban kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang su­sunod na House Speaker.

Ani Panelo, kompor­table si Duterte kahit sinong kandidato ang mapiling Speaker ng 18th Congress dahil kaalyado niya lahat sila.

“PRRD is comfortable with any of the candidates securing the seat of the Speaker of the House of Representatives because they are all his political allies. In deference to the neutral stand of the President, who is the Chairperson of the Partido Demoktatiko Pilipino – Lakas ng Bayan ( PDP-LABAN ), on the choice of the House Speaker, the party authorised Senator Manny Pacquiao to announce the political party’s bet for the position,” ani Panelo sa kalatas.

Mas kursunada aniya ng Pangulo na tutukan ang pamamahala sa bansa kaysa mamolitika.

“The Chief Executive would rather focus on the business of governance rather than play politics and ruffle the feelings of those outside of his pre­ferred choice. The latter is simply not the character and style of the Chief Executive,” dagdag niya.

Kompiyansa aniya ang Pangulo na ang susu­nod na pinuno ng Kama­ra ay tutupdin ang kan­yang legislative agenda para sa kapakanan ng bansa at kapakinabangan ng sambayanang Filipino.

Giit ni Panelo, tiwala ang Palasyo na ang mga kongresista ay pipili ng kanilang pinuno na maggigiya sa pagbaba­gong inaasam ng publiko.

 (ROSE NOVENARIO)

PAGPILI

NG SPEAKER

IPINASA

KAY ARROYO

IPINASA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ka­mara partikular kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo  ang pagpapasya kung sino ang iuupo bilang bagong house speaker.

Sa talumpati ng Pangulo sa ginanap na oathtaking ceremony ng mga halal na lokal na opisyal sa Malacañang, ikinuwento niya na nag­harap sila sa ginanap na thanksgiving party ng Hugpong ng Pagbabago sa Makati city.

Sa isang mesa ay kasa­ma niya si House Speaker Gloria Maca­pagal Arroyo at ipina­tawag ang mga contender sa house speakership.

Kabilang dito sina Lourd Alan Velasco, Allan Peter Cayetano, dating House Speaker Pantaleon Alvarez at  Martin Romualdez.

Ayon sa pangulo, pinapili niya si Arroyo kung sino ang iluluklok na house speaker ngunit tumanggi.

Pabiro niyang sinabi kay Ginang Arroyo na kapag hindi siya namili o tumanggi sa pagpili ay ibabalik niya ito sa kulungan sabay nilagyan ng ribbon o tali ang mga kamay ni House Speaker Arroyo.

Kahit idinaan sa biro, sinabi ng pangulo, gusto niyang ang Kamara na mismo ang lumutas sa kanilang isyu at ‘wag na siyang isali pa.

Pakiusap niya kay House Speaker Arroyo, iligtas na siya sa hirap ng pagpili, dahil lahat aniya ng mga contender ay kaibigan niya at ayaw niyang may sumama ang loob sa kanya.

Ayon pa sa Pangulo, iminungkahi na lamang niya na gawin ang pami­mili ng susunod na Speaker of the House sa pamamagitan ng party affiliation.

 (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *