Thursday , November 21 2024

Cayetano qualified na qualified maging speaker

PAGTUNGO ni Pangulong Duterte papunta sa Bangkok, hindi niya pinalampas ang aniya’y ‘hostage’ sa 2019 National Budget ng mga kongre­sista kaya nagkahetot-hetot ang Build  Build Build at ibang programa ng pamahalaan.

Kaya sinabi niya na bilisan ang pagtalakay sa national budget sa pagbubukas ng kongreso ngayong 22 Hulyo 2019.

Kapag ganyan ang order ng Pangulo, walang dudang kuhang-kuha ni Rep. Alan Cayetano ang takbo ng kanyang utak kaya noong nakaraang linggo ay nag-sponsor siya ng economic workshop para sa mga kongresista na dinaluhan ng mga kalihim ng DOF at DPWH at matataas na opisyal ng DOTR, BCDA at ng Build Build Build Team.

Layon nito na maunawaan ng mga mambabatas kung ano ang mga priority programs ng admi­nistrasyong Duterte.

At ‘yan ang dahilan kung bakit masasabing walang ibang layunin si Cayetano sa kanyang speakership bid kundi susugan at ipatupad ang mga programang inilatag ng pangulo. At hindi ito magiging mahirap kay Cayetano lalo sa pakikipag-usap sa senado dahil naging miyembro siya nito nang siyam na taon.

Sabi nga, alam na alam ni Cayetano kung paano makikipag-usap sa senado at sa mga kapwa kongresista dahil naging kongresista na rin siya nang tatlong termino.

Maging sa mga lider ng buong mundo at sa executive department dahil siya ay umupong DFA secretary at naging miyembro ng gabinete.

Hindi rin matatawaran ang kanyang kaka­yahan sa local governance dahil naging konsehal at vice mayor siya ng Taguig noon. 

Sa isyu ng umano’y vote buying sa Kamara, hindi rin nabahiran ang pangalan ni Cayetano dahil ang kanyang mga katunggali ang sinasa­bing may pakana nito. Patunay na tinitindigan niya ang kanyang prinsipyo laban sa katiwalian at korupsiyon. 

Kung loyalty lang din naman kay Duterte ang pag-uusapan, walang duda kay Cayetano. Mula sa pagkapanalo ni PRRD sa Taguig noong 2016 election at sa pamamayagpag ni Bong Go na trusted aide ni Duterte at iba pang Hugpong senators sa Taguig sa katatapos lamang na elek­siyon.

At asahan natin, hindi niya aatrasan ang pagsuporta sa anti-drug campaign ng pangulo at sa pagtindig maging sa international courts sa mga kumukuwestiyon sa human rights policy ng pangulo.

Kaya naman, hinding-hindi malulugi ang bansa kung si Alan Cayetano ang magiging Speaker of the House.

Kung karanasan, galing, talino at iba pang kalipikasyon ang pag-uusapan, sabi nga, may nanalo na!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *