PUMANAW na ang multi-awarded at beteranong aktor na si Eduardo “Eddie” Garcia sa Makati Medical Center kahapon ng hapon.
Sa inilabas na Medical Bulletin No. 6, ni Artemio Cabrera Salvador, Division head ng Patient Relation Department – Quality Management Division, binawian ng buhay dakong 4:55 pm si Eduardo Verchez Garcia sa tunay na buhay, edad 90 anyos.
Dalawang linggo nang nakaratay at inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) si Garcia nang mapatid sa cable wire sa kalagitnaan ng taping sa Maynila noong 8 Hunyo ng hapon.
Ipinahayag ng mga doktor ni Garcia, napuruhan ang kanyang cervical spine na nauwi sa comatose.
Labingtatlong araw nanatili sa ICU ang beteranong acktor hanggang tuluyang bawian ng buhay.
Samantalam ayon kay Dr. Tony Rebosa, tagapagsalita ng pamilya Garcia, patuloy na inaayos ang labi ng aktor kung saan ibuburol at kailan ililibing ng kanyang pamilya.
(JAJA GARCIA)