ISANG dating rebeldeng militar ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mamuno sa Philhealth.
Kinompirma ni senator-elect Christopger “Bong” Go na aprobado ni Pangulong Duterte ang appointment ni retired Army General Ricardo Morales bilang acting president at chief executive officer ng Philhealth.
Pinalitan ni Morales si Dr. Roy Ferrer na pinagsumite ng courtesy resignation ng Palasyo maging ang lahat ng board members ng Philhealth matapos mabunyag ang bilyon-bilyong ghost dialysis claims sa ahensiya.
Si Morales, dating miyembro ng Reform the Armed Forces Movement (RAM) ay nauna nang itinalaga ni Duterte bilang member ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System’s Board of Trustees noong nakaraang buwan para sa binakanteng puwesto ni Reynaldo Velasco na magtatapos ang termino sa 30 Hunyo.
Nang magretiro sa militar noong 2009 ay nagsilbi si Morales bilang opisyal ng Armed Forces and Police Mutual Benefit Association Inc.
(ROSE NOVENARIO)